Little Miss Sam Love.

Okay lang kahit hindi ako mauna sa tuktok. Ang importante makarating padin ako doon sa tamang panahon at pagkakataon. Ayoko maging agresibo papunta doon, ayokong maging traydor at saktan ang iba, para lang mauna sa itaas. Hindi ko kasi mararamdaman ang sarap ng bawat sandaling tumatahak ako. Hindi ko mamamalayan ang mga pangyayaring espesyal sa buhay ko dahil diskarte ng iba ang tinututukan ko, takot na baka maunahan nila ako. Mas masaya ‘pag ganito, simple lang. Nakatakip ang gilid ng mga mata, nang sa karera, landas ko lang ang nakikita hindi ang iba. Kanya-kanya namang istratehiya yan. Pero mas pinili ko ang stratehiyang maging simple lang. Hindi petiks, pero yung papahalagahan ko ang kung anong kaya ko lang. “One step at a time” hindi ako magmamadali, hindi naman nauubos ang ganitmpala Niya sa nagsisikap na kaluluwa. “There will always be a spot for me up there” at hindi mawawala ‘yon. Walang sinuman ang makakagaw ‘non dahil, akin ‘yon, ginawa Niya ‘yon para sa akin lang, may ginawa din Siya para sa bawat isa na nagsusumikap at nanampalataya, kaya wag kang makiagaw, may sarili kang uupuan sa tuktok, doon mo ilaan ang oras mo. Kapag nasa pinaka-taas ka na, “it’s either you maintain to be in that position or you’ve got nowhere to go but down.” Pero kung habang nasa daan ka palang, “sometimes you’ll take few steps back, but there will always be an UP waiting for you.” Lahat naman gustong tumungtong sa tuktok ng kanya-kanyang kapalaran, yun nga lang, iba-iba tayo ng paraan at panahon makadating doon, hindi kasi tayo pareparehas ng daan. Bawat isa maykanya-kanyang “adventures”. Try mong namnamin ang sarili mong “adventure” , hindi yung “bitter” ka dahil sa tingin mo mas maganda ang “adventure” ng iba. Tandaan mo walang tao ang nasa kanya na ang lahat, walang may perpektong buhay, nagmumukha lang perpekto ang lahat dahil MASAYA siya sa kung anung meron siya.. At ikaw pakiramdam mo bigo ka, paano kasi, bulag ka sa kung anumang kayamanang napagkaloob sayo, hindi naman kinakailangang material (kung akala mo mas madaming material na bagay mas perpektong buhay, nagkakamali ka, sabi nga “number one ka nga pero lonely one ka nalang”). Masyadong malinaw ang paningin mo sa kayamanan ng iba, kaya akala mo perpekto sila. At ikaw akala mo naman napakalaki mong malas sa buhay, dahil inuubos mo ang mga pagkakataong pwede ka namang maging Masaya at mas bigyang kulay ang mundo mo. Ibig sabihin lang naman nito, maging Masaya ka sa buhay mo, magpasalamat ka sa biyayang nakakamit mo, at yoon ang peperpekto sa lahat, matuto ka maging “appreciative”, lawakan mo ang kapasidad ng isip mo. Hindi mo makakamit ang kasiyahang yun kung “bitter” ka palagi sa iba. Maging “unique” wag mong idepende ang istorya ng buhay mo sa mga taong kinaiingitan mo, hindi magiging “Best-seller” yang istorya mo kung itutulad mo sa iba, “be original”. J